Friday, September 6, 2013

Pagtaas ng presyo ng bigas, pa-iimbestigahan


                                                                                                         https://www.google.com.ph
Naghain ng isang resolusyon si Senadora Loren Legarda sa senado upang imbestigahan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas sa mga pamilihan at ang kontrobersiya sa pag-angkat nito.
Dahil sa pabago-bago at di malinaw na pahayag ng mga kinaukulang ahensiya kung kaya't isinampa ang resolusyong ito, ayon sa senadora. Patuloy ang pagtaas ng presyo ng bigas na siyang idinaraing ng mga mamimili.
Ayon sa Department of Agriculture, ang kakulangan ng bigas ay dahil sa pagtatago nito sa mga imbentaryo na pakana diumano ng mga rice miller at mga negosyante. Mariin naman itong pinabulaanan ng huli, at sinabing ang kakulangan ng suplay ng bigas anya ang nagtulak sa kanila upang taasan ang presyo nito.
"Bente porsyento ng perang nakalaan para sa pagkain ng isang pamilyang Pilipino ay napupunta sa pambili ng bigas" ayon sa Bureau of Agricultural Research. Dahil dito, nais patatagin ni Sen. Legarda ang suplay at presyo ng bigas.
Sa ngayon, ang pinakamurang commercial rice ay nasa P34 kada kilo na dati'y P27 ang kilo.


Straight News

No comments:

Post a Comment