Friday, September 6, 2013

Cebu City Sports Commission Chairman, bumilib sa UNTV Cup

Cebu City Sports Commission Chairman Edward Hayco (UNTV News)

                                                                                                   (http://www.untvweb.com/news

Humanga si Cebu City Sports Commission Chairman Edward Hayco sa konsepto ng UNTV Cup sa pangunguna ni Kuya Daniel Razon.
Napabilib din ito ng mapagsama-sama sa isang liga ng basketball ang ilan sa mga ahensya ng pamahalaan kung saan P1M ang mapapanalunan ng mananalong team sa championship na makakatulong sa kanilang napiling charity. Hinangaan din nito ang mainit na pagsuporta ng mga manunuod na pang-PBA anya ang atmosphere.
Pinanuod ni Chairman Hayco ang laban ng PNP vs. Judiciary kung saan kalahok ang kaniyang kaibigang si Justice Midas Marquez ng team Judiciary.
Lalong umiinit ngayon ang laban sa iba't ibang teams. Ang lahat ay nais makamit ang kampiyonato para sa premyo at tanghaling kauna-unahang Grand Winner ng nasabing cup.


Straight News

No comments:

Post a Comment